PARTY DRUGS GALING NETHERLANDS BUMAHA SA NAIA

party500

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

BUMAHA NG ipinagbabawal na gamot sa Ninoy Aquino Internatinal Airport (NAIA) nitong Huwebes sa pagkakadiskubre ng may  1,269  piraso ng ecstasy tablet.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC) NAIA, halos  P2.157 milyon ang halaga ng nasabing kontrabando.

May ilang buwan na umano sa bodega ng Central Mall  Exchange Center sa NAIA Complex ang mga idineklarang bagahe mula sa isang G. Voorthusen  na ang point of origin ay The Netherlands pero hindi kinukuha ng consignee nito na hindi naman binanggit sa ulat ang pagkakakilanlan.

Dahil umano sa tagal, ininspeksyon ng Customs ang mga package ng tatlong malalaking bag na nagtataglay pala ng ecstasy tablets na kinalaunan ay kinumpirma ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) laboratory.

Samantala, sa datos ng BOC NAIA, umabot na sa P28.3 milyon na ang halaga ng mga ecstasy tablets na kanilang nakumpiska sa taong 2018 pa lamang na kinabibilangan ng 962 pirasong tableta na nagmula rin sa The Netherlands at higit 1,000 piraso galing sa Germany.

9

Related posts

Leave a Comment