‘USMAN’ BUMAGAL; APEKTADONG LUGAR LUMAWAK

BAGYONG USMAN-2

(Ni FRANCIS ATALIA)

LUMAWAK pa ang mga lugar na apektado ng bagyong Usman habang bumagal ang pagkilos nito pakanluran na may bilis na 10 kph.

Inaasahang magla-landfall ang sama ng panaho sa Eastern Samar na huling namataan 420 km sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Nanatiling nakataas ang tropical cyclone signal number 1 sa Romblon, Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, kasama ang Ticao at Burias Islands. pati na ang Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, kasama ang Camotes Islands, Aklan, Capiz, Northern Iloilo, Northern Negros Occidental at Dinagat Island.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 65 kph.

Sa kabilang dako, hanging amihan naman ang nagdudulot ng makulimlim na panahon sa Northern at Central Luzon.

5

Related posts

Leave a Comment