VILLAR, HAHARANGIN SA WATER SERVICE

Rep Arlene Brosas-5

IPINASASARA ng isang mambabatas ng mababang kapulungan ng Kongreso ang “pintuan” para kay dating Senate President Manny Villar kaugnay sa water distribution service  sa Metro Manila sakali man at bawiin ang kontrata mula sa Manila Water at Maynilad.

Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, bagama’t suportado ng kanilang grupo ang pagbawi sa kontrata mula sa dalawang water concessionaires, hindi maiwasang mangamba sila na ililipat lamang ito sa ibang negosyante tulad ni Villar, may-ari ng Prime Water.

Kaya naman, hinamon ni Brosas si Pangulong Rodrigo Durete na rebyuhin, rebisahin at amyendahan ang Executive Order (EO) 311 na inisyu ni dating Pangulong Fidel Ramos na naging basehan sa pagsasa-pribado sa water distribution service ng Metropolitan Waterworks ang Sewerage System (MWSS).

“Duterte should complement his order to review the concession agreement with a decisive move to junk EO 311 which provides the basis for the privatization of the MWSS. Otherwise, he may just be positioning his favored oligarch, the Villars, to take control and profit further from the water supply needs of Filipinos,” ayon kay Brosas.

Si Villar ay kilalang kaalyado ni Duterte at umano’y kabilang sa mga nag-ambag sa pondo para sa pagtakbo ni Duterte noong 2016 presidential election.

Pumasok na rin ito sa water distribution service  sa iba’t ibang panig ng bansa tulad ng Marilao, Bulacan, Tayabas, Quezon, Bacolod City, Negros Occidental at Zamboanga City.

Sinabi ni Brosas, kailangan ang pagbabagong inaasam ng mga water consumer sa Metro Manila at hindi ang pagpapasa lang sa isa pang negosyante.

“We warn Malacanang against using the public’s dissatisfaction under the privatized water services courtesy of Maynilad and Manila Water to comfortably sneak in Villar’s PrimeWater as the new water concessionaire,”  dagdag pa ni Brosas. (Bernard Taguinod)

133

Related posts

Leave a Comment