Wala raw ginastos na public funds sa fashion show FAKE NEWS NG PALASYO -NETIZENS

(CHRISTIAN DALE)

HINDI kinagat ng publiko ang mabilis na tugon ng Palasyo ng Malakanyang na hindi gumamit ng pondo ng bayan sa fashion show noong isang linggo.

Sa social media, mababasa ang mga komento ng mga netizen na tila nagsasabing fake news ang pahayag ng Malakanyang.

Tanong nila, sino ang nagbayad ng kuryente, security, pagkain ng mga dumalo sa nasabing event na ginanap sa Goldenberg Mansion sa Malacañang complex.

Dagdag pa rito, may mga empleyado ng Palasyo na nag-overtime para sa nasabing okasyon.

Sakali rin anilang sumailalim sa Covid swabbing ang mga dumalo sa event, sino ang nagbayad ng testing kit at sa mga taong nagsagawa ng testing.

Umani ng kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa netizens ang fashion show ng designer na si Michael Leyva dahil pag-aaksaya anila ito ng pera sa gitna ng kahirapang dinaranas ng maraming Pilipino.

“The government does not spend anything on the event because it is paid for by the designers and private institutions they partner with,” ayon kay Deputy Social Secretary Dina Arroyo Tantoco.

Ani Tantoco, ang serye ay naglalayong lumikha ng plataporma para sa mga malikhaing Pilipino.

Kabilang sa mga dumalo sa fashion show si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, Senators Nancy Binay, Robin Padilla, Sherwin Gatchalian, Francis Escudero at Joel Villanueva.

102

Related posts

Leave a Comment