CAMPAIGN VS FAKE NEWS NI MARCOS SINOPLA

SINOPLA ng netizens si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nitong hikayatin ang mga Pilipino na ipaglaban ang katotohanan para makaiwas na maging biktima ng “disinformation at misinformation” o fake news.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa isinagawang paglagda sa memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng mahahalagang ahensya ng pamahalaan at paglulunsad sa Media and

Information Literacy (MIL) project ng Presidential Communications Office (PCO), araw ng Lunes.

Sa naging talumpati ng Pangulo, binigyang diin nito na ang katotohanan ay palaging ‘casualty’ ng misinformation at disinformation, na nakaaapekto sa kakayahan ng mga netizen na maunawaan para sa kanilang sarili ang “katotohanan at haka-hakang impormasyon.”

Gayunman, mistulang nabutata ang Pangulo dahil ayon sa netizens, sa gobyerno mismo nagmumula ang fake news.

Bukod dito, nagpapaka-ipokrito umano si Marcos dahil isa siya sa mga nakinabang sa fake news.

“If they’re “equipped with tools to fight for truth,” you know as well as we do they’ll be out there in the streets to question the legitimacy of your presidency.

So, NO. I don’t think you’ll empower them. #Hypocrite,” Tweet ng user na si JPG.

Sa paglagda sa MOU, tinuran ng Pangulo na isinulat niya ang ‘Fight for the Truth'” sa commitment wall, na nilagdaan naman ng partner agencies.

“And this is all that we are talking about and this is as much as we are talking about. What we are fighting for is the truth because what is – the very first casualty of all of these — sometimes sinister, sometimes just mistaken, misguided activities — the first victim, the first casualty is the truth,” aniya pa rin.

Habang kinikilala ang “good at bad information” sa online, sinabi ng Chief Executive na titiyakin ng pamahalaan na mabibigyan ang mga tao ng kaalaman na malaman at maunawaan ang pagkakaiba ng “truth, speculations, propaganda, at outright lies.”

Binigyang diin nito na ang mga kabataan ang “most vulnerable sector” pagdating sa usapin ng “fake news.”

Inulit naman ng Pangulo ang naging obserbasyon ni PCO Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ukol sa pangangailangan na idirekta ang atensyon sa mga kabataan dahil ang mga ito ang “most involved” sa social media platforms.

(CHRISTIAN DALE)

78

Related posts

Leave a Comment