(NI BETH JULIAN)
NAKIKITANG solusyon ng Malacanang ang pagkakaroon ng sariling water reservoir sa mga syudad at lalawigan para sa problema sa kakapusan ng tubig.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo kasabay ng pahayag na dedepende ang laki ng gagawing reservoir kung gaano kalaki ang magiging demand ng tubig sa isang partikular na lungsod o sa isang lalawigan.
Ayon kay Panelo, itinuturing na artipisyal lamang ang kakulangan ng tubig kaya mas magandang maimbestigahan ang issue upang matuklasan ang sanhi ng kakulangan ng supply at para matiyak na hindi na ito mauulit
Iginiit ni Panelo na hindi niya nakikitang economic sabotage ang issue ng kawalan ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila at ng mga kalapit na lalawigan kundi isang kaso lamang ng mismanagement.
Sa ngayon ay kumikilos na ang Palasyo para maresolba ang problema na nagdulot ng malaking perhuwisyo sa libu-libong residente.
191