(NI FROILAN MORALLOS)
NAKATAKDANG ipakansela ng Bureau of Immigration (BI) ang mga visa ng aabot sa 528 foreign nationals na nagtratrabaho sa bansa kaugnay sa pagkakadiskubre na may maanomalyang nangyari sa pagkuha ng kanilang mga visa.
Kabilang sa aalisan ng visa ang 259 Indians, 230 Chinese, 14 Koreans, 11 Japanese, 5, Taiwanese, 3, Vietnamese, German, Burmese, Nigerian, Nepalese, Sudanese, at isang Yemeni.
Ayon sa impormasyon na nakalap mula sa BI, ang sinasabing mga dayuhan ay nagtatrabaho sa anim na kumpanya sa Pilipinas na bilang mga BI illegal alien.
Sinabi ni Morente na ang 528 foreigner ay lumabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act , sapagkat ang kanilang hawak na mga visa ay hindi dumaan sa tamang proseso.
Agad na ipinag-utos sa Alien Registration Division at sa Legal division ang agarang kanselasyon ng mga ACR I-Cards ng 528.
195