(NI BERNARD TAGUINOD)
NILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea taliwas sa paniniwala ng marami na isinuko na niya ito sa China.
“West Philippine Sea… It is ours… But we have to temperate with the times and with the realities we face today,” ani Duterte.
Gayunpaman, bagama’t pag-aari aniya ng Pilipinas ang nasabing teritoryo ay nasa posesyon ito ng China na nangyari umano dahil sa kapabayaan ng nakaraang administrasyon.
Nabatid na inabandona umano ni dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario ang posesyon sa WPS noong kanilang panahon at mula noon ay hinawakan na ito ng China.
Ipinagtanggol din nito ang kanyang desisyon na bigyan ng fishing rights ang China sa WPS subalit malinaw aniya sa ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pinapayagan umano ang ibang estado na makinabang sa mga resources sa loob ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng bansa.
The arbitral [ruling] even states PH may even enter into fishing agreement with other states. Our ownership of the West PH Sea is internationally recongized. But UNCLOS and the arbitral award in case of Rep of PH vs China recognizes instances when other state may utilize the resources found within the coastal states’ EEZ,” ani Duterte.
Ayaw umano nitong dumami ang mga ma-biyuda at maulilang mga bata kaya hindi ito padalus-dalos sa kanyang aksiyon sa China dahil wala umanong laban ang bansa kapag nagkagiyera.
“There is a time for everything: a time to negotiate and a time to quarrel – with your enemy, with your political opponents, with your wife… and a time to make peace, and a time to go to war, and a time to die,” ayon pa kay Duterte.
205