Nalalapit na ang pagdiriwang ng National Children’s Book Day (NCBD) kung saan kikilalanin dito ang mga likha ng mga bata bilang book writers, illustrators, at publishers.
Sa naturang okasyon din bibigyang kahalagahan sa pagi-ging mausisa at galaw ng imahinasyon ng mga batang mambabasa.
Ito ay gaganapin sa Hulyo 16, 2019 mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:30 ng gabi sa Little Theater Lobby ng Cultural Center of the Philippines.
Ang CCP Intertexual Division ay patuloy sa selebrasyon ng NCBD kasama ang Philippine Board on Books for Young People (PBBY) tuwing ikatlong Martes ng Hulyo. Ito ay bilang pag-aalala rin sa petsa ng pagkakalathala ng “Ang Pagong at ang Matsing” ni Jose Rizal sa Trubner’s Oriental Record sa London. Itatampok sa selebrasyon ang PBBY-Alcala at Salanga Awarding Ceremony at ito ay magsisimula alas-9:00 ng umaga sa Little Theater Lobby ng CCP. Ang okasyong ito ay kikilala sa mahuhusay na manlilikha at tagalathala sa panitikan ng mga bata.
Magkakaroon din sila ng grand opening para sa kanilang gaganaping brand-new exhibit.
Sa katanghalian, ang Mulat Sulat 2018 Group ay sisimulan ang paglulunsad ng limang aklat ng mga bata tungkol sa Karapatan ng mga lesbian, gay, bisexual, at transgender. Ang programa sa Little Theater Lobby ay itatampok ang pagpapasinaya sa libro, storytelling, at pagbabasa mula sa mga sipi nito.
Susundan ito ng Pinoy Kids Read Pinoy Books kung saan iho-host din dito ang kanilang Pinoy Kids Celebration at mayroon ding storytelling at isang musical performance at iba’t ibang talakayan.
Sa huling bahagi, ang Audience Development Division ng CCP ay pangungunahan ang 20 mga bata sa paglibot sa gusali. Kabilang sa tour na ito ay art activities, talakayan, at pagpapakilala sa pinakamahahalagang bahagi ng CCP at iba’t iba nitong exhibits. Kabilang dito ang selebrasyon ng NCBD.
Para sa katanungan, tumawag sa Intertextual Division sa telepono bilang 5515959 o 0919-3175708.
