Isang ongoing exhibition ng landscape ni Mark Sanchez na pinamagatang On Conflicts and Terrains ang matutunghayan sa Pasilyo Vicenta Mansala ng Cultural Center of the Philippines.
Ang exhibit sa ikalawang palapag ay nagsimulang buksan noong Hunyo 8 at bukas ito sa publiko hanggang Agosto 18.
Ang landscape ay tumatalakay sa hurisdiksyon, paggawa, pag-aari at awtoridad. Nagpapakita rin ito ng mga sakit sa lipunan tulad ng korapsyon, agawan sa teritoryo, pagkasira sa kalikasan, pag-aagaw sa mga karapatan at ang kanilang mga kahihinatnan.
Si Sanchez ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in Fine Arts sa University of the Philippines sa Diliman.
Ang viewing hours ng exhibit ay mula Martes hanggang Linggo, 10am-6pm. Ang Conflicts at Terrains ay inihahandog at sa suporta mula sa Outlooke Pointe Foundation.
Sa detalye, tumawag sa Visual Arts and Museum Division, Production and Exhibition Department sa 832-1125 loc. 1504/1505 at 832-3702, 0917-6033809, email: ccp.exhibits@gmail.com or sa www.culturalcenter.gov.ph.
