(NI JOSEPH BONIFACIO)
MATAPOS makatikim ng unang kampeonato, target ng Raptors ang back-to-back championship.
At kumpiyansa naman si Raptors president Masai Ujiri na mangyayari ito, pati na ang pananatili ni Kawhi Leonard at ang team core para sa susunod na NBA season.
Sa ngayon, pinag-aaralang mabuti ng management ang susunod na hakbang upang mahikayat si Leonard na manatili sa Toronto.
“We’re on to the next issue, which for us is coming back and being champions again,” pahayag ni Ujiri kahapon (Manila time) sa kanyang unang news conference dalawang linggo matapos ang kampeonato ng team. “We want to experience this moment here again and again and again.”
Pinaka-importanteng isyu sa Toronto si Leonard. Ang two-time finals MVP ay inaasahang tatanggihan ang natitirang 1-year contract niya sa Raptors para maging free agent.
Ang Toronto ay maaaring mag-offer kay Leonard ng five-year deal na magkakahalaga ng $190 million, na mas mataas ng $50 million kaysa sa maibibigay ng ibang koponan.
Binigyang-diin ni Ujiri na ang ‘selling points’ ng Toronto kay Leonard ay: health, trust, success.
“I said we have to be ourselves, and we were ourselves for the whole year,” ani Ujiri. “I think he saw that. I think we built a trust there.”
Si Leonard ay siyam na larong lumiban sa final season niya sa San Antonio Spurs.
Sa katatapos na season, lumaro siya ng 60 games at 24 pa sa playoffs at mula sa average 26.6 points at 7.3 rebounds sa regular season, umangat ang laro niya sa 30.5 points at 9.1 rebounds sa playoffs.
