Natuklasan ng COA P5-B MSME LOANS HINDI NAGAMIT

INIULAT ng Commission on Audit (COA) na may P4.99-billion na inilaan para sa loan distribution sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng Bayanihan 2 Act ang naiwan at hindi nagamit.

Sa pamamagitan ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program, ang Small Business Corporation (SB Corp.) ay nakatanggap ng P9.08-billion na ipamamahagi bilang collateral-free at 0% interest loans sa MSMEs.

Nakasaad sa 86-page report ng COA, nagpalabas lamang ang SB Corp ng P4.09-billion o 45.04% ng P9.08-billion, naiwan at hindi nagamit ang P4.99-billion o 54.96%
Ang SB Corp ay financing branch ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa report pa rin ng COA, nakalista rito ang dalawang pangunahing dahilan kung bakit mahigit sa kalahati ng budget ang hindi nagamit o nagastos.
Una na ay nakita ng COA ang “insufficiency” sa human resources ng SB Corp.

“We found that the SB Corp. adopted an automated system to process loans, however, there were no significant adjustments in human resources. Despite this challenge, the SB Corp utilized ₱4.09-billion, which is 273% higher than its usual budget of ₱1.5-billion for its regular program,” ang nakasaad pa rin sa 86-page report ng COA.

Habang ang pangalawa naman ay natuklasan ng COA ang pag-aalinlangan sa client-side na mag- avail ng loans partikular na sa hanay ng tourism-based companies.
Natuklasan din ng COA na may P45.27-million ang napunta sa 749 “unidentified” enterprises, o 2.64% ng beneficiaries.

Sinasabi pa rin na nagkaroon ng “deficiencies and gaps” sa execution ng programa ng SB Corp.

Tinukoy nito na sa 48,010 MSMEs na nag-apply, mayroong 4,378 o 9.12% ang kanselado. (CHRISTIAN DALE)

174

Related posts

Leave a Comment