DALAWANG pares na teams ang buena mano sa pagbabalik ng NCAA Season 97 men’s basketball tournament tampok ang hosts De La Salle-College of Saint Benilde Blazers ni Prince Carlos at reigning champion Colegio de San Juan de Letran Knights ni Fran Yu, ngayon sa SM Mall of Asia Arena.
Didribol ang Blazers kontra sa Season 95 champion Knights sa unang laro sa alas-3:30 ng hapon. Magugunitang nasungkit ng Letran ang titulo habang kinapos na tungo sa Final Four ang Blazers.
Sa ikalawang game ay maghaharap ang San Beda University Red Lions at Lyceum of the Philippines Pirates sa alas-7:05 ng gabi.
Ang dalawang top teams ay otomatikong uusad sa semifinals habang ang pangatlo hanggang pang-anim na koponan ay mag-aagawan sa semis spot sa pamamagitan ng play-in tourney.
Bago ang games, inaasahang magkakaroon ng bonggang opening ceremonies sa alas-2:30 ng hapon dahil sa partnership ng NCAA sa isang big media network. (ANN ENCARNACION)
184 