NCR, 4 LALAWIGAN BALIK GCQ

ISINAILALIM na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula bukas,  Agosto 19 hanggang Agosto 31, 2020.

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi, Agosto 17 ay binanggit ni Presidential spokesperson Harry Roque na bukod sa MM, inalis na rin ng Chief Executive ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ) at isinailalim na rin sa GCQ.

Ang iba pang lugar na isinailalim sa GCQ ay Nueva Ecija, Batangas, Quezon sa Luzon; Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City, mga munisipalidad ng Minglanilla at
Consolacion sa Cebu province para sa Visayas.

Ang mga nalalabing lugar sa Pilipinas ay isinailalim naman sa modified general community quarantine. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment