NCR BALIK-ECQ SA AGOSTO 6

(CHRISTIAN DALE)

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “subject to heightened restrictions” mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5, 2021.

Simula naman sa Agosto 6, 2021, ang klasipikasyon ng NCR ay itataas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Agosto 20, 2021.

“Hindi po naging madali ang desisyon na ito. maraming oras ang ginugol para pagdebatehan ang bagay na ito dahil binabalanse natin yung pagpapabagal ng COVID-19 dahil sa Delta variant at yung karapatan natin na mabuhay at maiwasan, mabawasan ang hanay ng mga nagugutom,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

At gaya aniya ng kanyang sinabi, ang GCQ with heightened restrictions sa NCR ay iiral mula Hulyo 30.

“Mas mahigpit po to kaya nga sabi ko heightened restrictions na meron pang additional restrictions sa NCR compared sa GCQ with heightened restrictions sa ibang mga lugar,” aniya pa rin.

Hinggil naman sa tanong kung may ayuda para sa panibagong ipatutupad na ECQ sa NCR, sinabi ni Sec. Roque na “Most likely but will seek confirmation”.

Sa kabilang dako, kasama sa ipagbabawal sa panahon ng ECQ ang indoor dine-in services at al fresco dining. Ang pupuwede lang aniya ay takeout at delivery.

“NCR lang po ang ECQ. Uulitin ko po, NCR lang po ang ECQ,” giit nito.

Samantala, pinayagan ang personal care services tulad ng beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas hanggang 30 percent ng venue or seating capacity.

Ang indoor sports courts and venues at indoor tourist attractions at specialized markets ng Department of Tourism ay hindi rin aniya makaka-operate.

Pinapayagan naman ang outdoor tourist attractions hanggang 30 percent venue capacity.

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang pinapayagan lamang bumiyahe sa labas at loob ng NCR plus areas kasama ang Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay ang APOR.

Tanging virtual religious gatherings ang pinapayagan na ang ibig sabihin ay lahat ng mass gatherings ay bawal muna.

Ang lamay at libing ng mga namatay na ang dahilan ay hindi COVID-19 ay pinapayagan pero ito ay para sa mga immediate family members lamang.

“Ang ilang probisyon ng Omnibus Guidelines na hindi apektado ng mga nasabing restrictions ay magpapatuloy kasama ang operasyon ng pampublikong transportation. Patuloy nating ipu-promote ang paggamit ng active transportation,” ani Sec. Roque.

Samantala ang Gingoog City, Iloilo City, Iloilo Province at Cagayan de Oro City ay mananatiling ECQ simula Agosto 1 hanggang Agosto 7.

Nadagdag naman aniya ang Cebu City at Cebu Province sa mga lugar na nasa MECQ simula August 1 hanggang August 15 “subject” sa mga apela ng local government units.

Para naman sa Luzon, Ilocos Norte at Bataan; at para sa Visayas, Mandaue City at Lapu-Lapu City ay nasa ilalim ng MECQ mula Agosto 1 hanggang Agosto 15 , 2021.

Ang mga lugar naman na nasa ilalim ng GCQ “with heightened restrictions” mula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021 ay Ilocos Sur; Cagayan; Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna at Lucena City sa Region 4-A at Naga City para sa Luzon; Antique, Aklan, Bacolod City at Capiz sa Region 6 at Negros Oriental para sa Visayas; Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro sa Region 11 at Butuan City para sa Mindanao.

Sa kabilang dako, ang Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Quirino, Isabela and Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A at Puerto Princesa para sa Luzon; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA at Cotabato City sa the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay inilagay naman sa ilalim ng GCQ mula Agosto 1 hanggang August 31, 2021.

Ang lahat ng iba pang lugar na hindi nabanggit ay inilagay sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) classification mula Agosto 1 hanggang Agosto 31, 2021.

Vaccination program
magpapatuloy

TULOY naman ang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan kahit inilagay sa ilalim ng GCQ “subject to heightened restrictions” ang NCR mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5, 2021 na susundan ng ECQ mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021.

Sinabi ni Sec. Roque, “Yes definitely. Details to be provided in due course by vaz comm,” anito.

Sa kabilang dako, inatasan naman na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na maghanap ng mapagkukunan ng pondo para sa ayuda.

“PRRD directed DBM to source funds,” an Sec. Roque.

Kaugnay nito, nanawagan ang Malakanyang sa publiko na huwag mag-panic buying.

“Kung kayo po’y mananatili na sa inyong mga tahanan, wag na kayo mag panic buying ha, kasi meron naman tayong isang linggo para magprepara dito sa 2 weeks na ECQ. Wala pong dahilan para mag-panic buying dahil maski ECQ po buhay naman po o bukas naman po ang ating mga groceries. At importante lang po ngayon itong linggo na ito lahat po tayo ay makapagplano,” aniya pa rin.

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na walang malaking banta na kakalat talaga ang Delta variant dahil binabase ng gobyerno sa siyensa at projections na ginagawa ng Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance Using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler for Early Detection of Diseases (FASSSTER) ang mga desisyon ng pamahalaan.

“Napakahirap po talaga nitong desisyon na ito pero sabi nga ng ating presidente… mahirap man, mapait man ang desisyon natin, ito po ay para sa kabutihan ng lahat,” ani Sec. Roque.

Ayuda ipamahagi
sa panahon ng ECQ

Sa kabilang dako, hiniling ni Senador Grace Poe sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kapag tuluyan nang isinailalim ang Metro Manila at karatig-lalawigan sa ECQ, dapat mamahagi rin ng ayuda partikular sa mahihirap na lubhang maaapektuhan nito.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na bagama’t mahusay ang ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant, at maprotektahan ang mamamayan, dapat bigyan din ng panangga ang taumbayan sa gutom.

“As we protect our people from the virus, we must shield them from hunger, too,” ayon kay Poe.

“The lockdown should come with timely and adequate cash aid and other available assistance to see them through the two-week period,” giit ng senador.

Sinabi ni Poe na hindi dapat bigyan ng pamahalaan ng dahilan ang mamamayan na lumabas ng kani-kanilang tahanan at harapin ang epekto ng mas nakahahawang Delta variant kung walang ayuda.

“As a necessary measure to give our vaccination effort a big push, we hope our people will take advantage of this chance to get vaccinated,”aniya.

“We count on our frontliners to find ways to bring the doses and the appropriate assistance closest to communities to ease the challenges of getting vaccinated,” patapos ni Poe. (May dagdag na ulat si ESTONG REYES)

98

Related posts

Leave a Comment