PATAY si Negros Oriental Gov. Roel Ragay Degamo matapos pagbabarilin sa kanyang tahanan, alas-9 ng umaga ngayong Sabado sa Pamplona, Negros Oriental.
Sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office, alas-9:36AM nang pasukin ng mga armado na lulan ng 2 SUV ang tahanan ng gobernador sa Brgy. San Isidro, Sto. Nuebe, Pamplona.
Dito na pinagbabaril ang gobernador na abala umano noon sa pakilkipag-ugnayan sa kanyang mga kababayan na 4Ps beneficiaries.
Bukod kay Degamo, may lima katao pang nadamay umano sa pamamaril bagaman kinukumpirma pa ang kalagayan at pagkakakilanlan ng mga ito.
Naglabas na ng pahayag ang Palasyo hinggil sa pinakabagong pag-atake sa lokal na opisyal ng bayan.
Tiniyak nito na hahanapin at papananagutin sa batas ang mga umatake kay Degamo.
