19 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASAGIP

NAKIPAG-UGNAYAN ang Philippine Coast Guard sa PNP Maritime Police kaugnay sa pagsagip sa 19 na biktima ng human trafficking sa Bongao, Central Tawi-Tawi.

Ayon sa PCG, nasagip ang mga biktima nang matunton ang kanilang kinaroroonan sa Port of Bongao, Tawi-Tawi, na hinihinalang nakatakda nang maglayag papuntang Malaysia.

Inalerto ng PCG ang Maritime Police at Maritime Inter-Agency Council Against Trafficking tungkol sa pagsagip sa mga biktima mula sa barkong MV Ever Queen of Asia na naka-angkla sa bayan ng Bongao.

Sinasabing pawang na-recruit ang mga biktima sa Zamboanga Peninsula.

Matapos sumailalim sa medical examination at imbestigasyon ay agad nai-turnover sa Ministry of Social Service and Development sa Bongao ang mga biktima para sa psychological counseling and assistance at pagpapauwi sa kanilang lugar. (JESSE KABEL RUIZ)

29

Related posts

Leave a Comment