(NI KIKO CUETO)
DALAWANG sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Mindanao.
Ang isa ay namataan 240 kilometers east ng Aparri, Cagayan, ayon kay weather specialist Gener Quitlong.
Posibleng maging isa itong bagyo bago tuluyang umalis ng Philippine area of responsibility (PAR).
Sinabi pa ni Quitlong na ang isa pang LPA ay namataan 955 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ngayong Sabado ito pumasok ng PAR.
Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Quezon ay magiging maulan.
Ang habagat ay patukloy na hahatakin kaya’t magpapaulan maging sa Metro Manila at sa malaking bahagi ng Luzon.
148