MATAPOS kasuhan noong Pebrero ng grave coercion, grave oral defamation ang tatlong city councilors ng Dagupan City dahil sa naganap na gulo sa sesyon na nag-viral sa social media ay pormal nang sinuspinde ng Malacañang sina Alipio Serafin Fernandez, Redford Erfe Mejia at Victoria Czarinna Lim Acosta.
Ayon kay Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, Atty. Anna Liza Logan, ng Office of the President, nakitaan ng sapat na katibayan ang tatlo upang patawan ng 60 days suspension na inilabas noong Oktubre 30, 2024 dahil sa panggugulo sa Sangguniang Panlungsod o City Council Session na hindi magandang halimbawa bilang isang public official.
Matatandaang nag-viral ang video ng panggugulo ng tatlo na nagpakawala ng maaanghang na salita at insulto maging ang tangkang agawin ang mikropono habang pinangungunahan ang session ni presiding officer Vice Mayor Dean Bryan Kua.
Nag-ugat ang kaguluhan ng matagal nang magkalaban sa pulitikanang aprubahan ang P1.3 bilyong budget ng lungsod na mahigpit na tinututulan ng tatlo. (RUDY SIM)
65