5 BAGONG CONGRES’L DISTRICT NAKOPO NG POLITICAL FAMILY

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD)

EXCLUSIVE

KINOPO ng mga kilalang political family ang limang  bagong congressional district sa apat na lalawigan  na itinatag ngayong 17th Congress sa katatapos na eleksyon.

Ito ang lumabas natuklasan ng Saksi Ngayon base sa resulta ng bilangan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at maging ng Commission on Elections (Comelec).

Ngayong 17th Congress ay inaprubahan ang mga panukalang  dagdagan ng isang distrito ang Laguna kaya mula sa dating limang distrito ay naging anim na ito kung saan, ang nanalo ay asawa ni Laguna Gov. Ramil Hernandez na si Ruth Hernandez.

Tinalo ng babaing Hernandez ang apat niyang kalaban na nagtangkang maging kauna-unahang kinatawan ng bagong tatag na distrito ng lalawigan ng Laguna.

Naging walo na rin ang Congressional District ng Cavite matapos dagdagan ito ng isang distrito kung saan ang miyembro ng Remulla na si dating Cavite Gov. Boying Remulla ang unang uupo sa bagong tatag na disrito ng lalawigan matapos talunin ang nag-iisang kalaban.

Dalawang miyembro naman pamilyang Dy na kilalang political family ang umupo sa dalawang bagong congressional district sa probinsya ng Isabela.

Nanalo bilang kinatawan ng ika-5 distrito ng Isabela si Faustino Michael Dy III at tinalo ang isang kalaban na si Edwin Uy habang si Inno Dy ang magiging kinatawan naman ng ika-6 na distrito.

Ngayong 17th Congress ay apat lang ang distrito ng Isabela subalit dinagdagan ito ng dalawa kaya magiging anim na ang kinatawan ng lalawigan sa 18th Congress.

Naging dalawa na rin ang dating lone district ng Aklan matapos dagdagan ito ng isa pang distrito kung saan mula dating congressman ng lalawigan ang nanalo na si Nonong Haresco.

Dahil dito, magiging 243 ang Congressional district sa buong bansa kabilang na ang limang bagong distrito na sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na ng kinatawan sa 18th Congress.

470

Related posts

Leave a Comment