BAGATSING-OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

PORMAL na naghain ng kanilang kandidatura ang mga kinatawan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP)-Manila sa Commission on Elections filing site sa SM Manila nitong Okt. 8.

Pinangunahan ni Ramon San Diego Bagatsing III at kanyang running mate na si Pablo Dario Gerosin Ocampo na tatakbo bilang bise-alkalde.

Sa ilalim ng makasaysayang pamana ng paglilingkod ng mga Bagatsing at Ocampo na nagkakaisa para sa Bagong Pilipinas, nanatiling buo ang kanilang dedikasyon na ipagpatuloy ang kanilang malinis na pangalan sa pamamahala sa kabila ng hamon ng panahon.

Kilala ang mga Bagatsing sa kanilang walang bahid na korupsyon at tapat na paglilingkod mula pa noong termino ng dating Manila Mayor Ramon Bagatsing Sr., ang pinakamatagal naglingkod na alkalde sa lungsod. Ipinagmalaki naman ng mga Ocampo ang kanilang makasaysayang kontribusyon sa paglilingkod sa publiko.

Sa pagsuporta ng PFP National President Gov. Reynaldo Tamayo at ang buong pamunuan ng partido, handang magsimula ng isang bagong kabanata sa pamahalaan ng Maynila ang tambalang Bagatsing at Ocampo. Ang kanilang pamumuno ay hindi lamang pagbabalik ng mga tradisyong pulitikal ng kanilang pamilya kundi pagsulong ng mga makabagong programa na naglalayong magbigay ng pantay na oportunidad para sa lahat ng mamamayan lalo na ang nasa laylayan ng lipunan. (JOCELYN DOMENDEN)

44

Related posts

Leave a Comment