PABOR si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na iupgrade ang vaccination program ng Department of Health.
Sinabi ni Zubiri na ngayong ipinoproseso na ng Moderna at Pfizer ang kanilang emergency use authorization para sa bakuna laban sa omicron subvariants, dapat ikonsidera na ng DOH ang procurement nito.
Iginiit ni Zubiri na ang mga naturang bakuna na ang dapat na ibigay bilang booster sa mga taong hindi pa nakakapagpabooster o 2nd booster sa iba pang indibidwal.
Idinagdag ng senate president na kung may pondo sa ilalim ng proposed 2023 national budget para sa bakuna dapat tiyakin na ang mga vaccines na bibilhin ay nakatutok na sa omicron.
Ipinaliwanag ng lider ng Senado na sa Pilipinas ang omicron na ang nananalasa na dapat agad tugunan ng health authorities.
“Kung kaya po nilang i-modify, i-modify na nila kasi sayang naman kung di omicron specific ang bakuna dahil dyan tayo natatamaan,” diin ni Zubiri. (DANG SAMSON-GARCIA)
203