NAGSAGAWA ng paglilinaw kahapon ang Bureau of Customs (BOC) hinggil sa isinisisi sa kanilang pagkaantala sa rice shipment dahil sa port congestion sa Manila ports na posibleng pag-ugatan umano ng price hike sa presyo ng bigas.
“The Bureau of Customs (BOC) would like to address recent reports about rice shipments accumulating at Manila ports, raising concerns over potential delays and their effect on rice prices. The BOC clarifies that the situation is not related to port congestion but stems from pending actions required by consignees for the release of these shipments, ayon sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio.
Kaya umano naantala ang release ng mahigit sa 900 container van ay dahil sa nakabinbin na requirements na kinakailangang sundin ng consignees.
Ang pahayag ng BOC ay matapos ang iba’t ibang concerns o alalahanin na maaaring makaapekto sa presyo ng bigas, ang mga pagkaantala dahil hindi pa nailalabas ang rice shipments.
Ayon sa Aduana, handa naman nang i-release ang rice shipments sa oras kapag matapos ng consignee ang kanilang mga responsibilidad.
Base sa datos ng BOC, nasa Port of Manila pa rin ang 258 shipping containers na may mga bigas kung saan 237 dito ay clear na para i-release sa pagbabayad ng duties at taxes habang ang natitirang 21 containers ay pinoproseso pa para ma-clear matapos ipresenta ang Goods Declaration noong Biyernes.
Samantala, 630 rice containers ang nananatili sa Manila International Container Port kung saan 492 na ang na-clear na para i-release habang ang 138 na iba pa ay nakabinbin pa.
Binigyang-diin ng BOC na walang rice shipments ang lumampas sa 30-day period ng containment sa mga pantalan, kung hindi, idedeklara ng ahensya na inabandona ang mga container. (JESSE KABEL RUIZ)
131