MODERN JEEP SA ILOILO, PINONDOHAN NG DBP

Shown in photo during the ceremonial turnover of DBP financed brand new modern Public Utility Jeepneys (PUJs) are (7th to 11th from left) DBP President and CEO Michael O. de Jesus, MITS Coop Chairman Josemarie De Los Reyes, DBP Senior Vice President Rosemarie C. Callanta, DBP Senior Assistant Vice President Jessica E. Juanico, and DBP Vice President Marissa P. Aniño. Joining them are (from left) DBP Account Officer Julie Ann P. Gabrillo, DBP Account Officer Assistant Eden Mae S. Fuentes, JMC Philippines Vice President for Sales and Marketing Joey C. Picadizo, LTFRB – Region VI Director Richard Z. Osmeña, LTFRB Board Member Mercy Jane Paras-Leynes, LTFRB Board Member Riza Marie T. Paches, DBP Senior Manager Lorijane T. Luy, DBP Assistant Vice President Edwin T. Cagalitan and MITS Coop Vice Chairman Jose Rudy Modesto.

ISINUSULONG ngayon ng Development Bank of the Philippines (DBP) na paunlarin ang public transport sa Iloilo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng P367.72 milyong credit assistance ang isang transport cooperative na nakabase sa lalawigan para sa pagkuha ng 148 brand new units ng modernong Public Utility Jeepneys (PUJ’s) bilang pagsisikap na maging makabago at ligtas na transportasyon.

Ayon kay DBP Presiddent at CEO Michael De Jesus, na ang credit support sa Metro Iloilo Trasnport Service Cooperative (MITS Coop) sa ilalim ng Program Assistance to Support Alternative Driving Approaches (PASADA) ng bangko na popondohan ang pagkuha ng mga Euro compliant na PUJ upang ipakalat sa pitong ruta sa Iloilo City.

Ang MITS Coop ay nakarehistro sa Cooperative Development Authority at inorganisa alinsunod sa jeepney modernization ng national government na mayroong 627 miyembro na binubuo ng mga driver, jeepney operators at mga manggagawa na mula sa ibat-ibang munisipalidad ng Iloilo.

Tinatayang 33,000 commuters ang makikinabang sa modernong PUJ na pinondohan ng DBP na isa sa pinaka malaking bangko sa bansa. Layunin nito na maging magaan ang pang araw-araw na buhay ng mga mananakay tungo sa makabagong sistema na magbibigay opurtunidad sa trabaho sa mahigit 500 na mga indibidwal.

Sa pagtatapos sa nakaraang buwan ng Hunyo ay inaprubahan ng DBP ang 104 na accounts sa ilalim ng PASADA program na may kabuoang halaga ng pautang na P8.57 Bilyon sa pagsisikap na mapabilis ang modernisasyon sa bansa.

488

Related posts

Leave a Comment