(NI KIKO CUETO)
PATULOY na magpapaulan ngayong araw ang low pressure area na tumawid sa central Philippines.
Huli itong namataan sa Sulu Sea, may 150 kilometro west southwest ng Dumaguete City, Negros Oriental.
Tumawid ito sa Palawan, ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz.
Ang Metro Manila, Calabarzon, Mamaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Visayas at ang mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay makakaranas ng kalat-kalat na ulan na kulog at pagkidlat.
Bukas ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang LPA.
Inaasahang lalakas ito paglabas ng bansa.
Magdadala ito ng buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
323