PAGLOBO NG INFLATION ISINISI SA BIGAS AT LANGIS

ISINISI ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mataas na presyo ng bigas at mga produktong petrolyo ang paglobo ng inflation rate noong Setyembre.

Ginawa ni House Ways and Means chairman, Rep. Joey Salceda ang pahayag matapos mai-record ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 6.2% inflation noong Setyembre mula sa 5.3% noong Agosto.

“The reported year-on-year inflation rate of 6.1% in September is due to oil and rice price shocks during the month,” pag-amin ni Salceda subalit inaasahan aniya na makababawi ngayong Oktubre.

Ayon sa mambabatas, lumobo ng 17.9% ang presyo ng bigas noong Setyembre kumpara sa 8.2% noong Agosto at hindi naawat ang pagsirit ng halaga ng langis kaya hindi na ito nagtaka na tumaas ang inflation rate.

Gayunpaman, bagama’t umaasa si Salceda na bababa ang inflation ngayong buwan ay dapat pa rin aniyang bantayan ang presyo ng pagkain lalo na’t papasok ang holiday season kung saan makatatanggap na ng bonus ang mga manggagawa.

“But food prices still need to be watched out for, especially because the ber months typically tend to be bonus season, which is naturally inflationary. With sufficient food, we can manage the inflationary impacts of sudden injections of income among employees,” ani Salceda.

Subalit kung si House committee on agriculture chairman, Rep. Mark Enverga ng Quezon Province, ang tatanungin, bababa na ang inflation ngayong Oktubre dahil aani na ang mga magsasaka.

“We believe that inflation has peaked, and we expect it to be on a downward trend because of the forthcoming harvest season. As the earth yields its bounty, we anticipate a steady decline in inflation rates,” ayon sa mambabatas.

Sa datos na ibinahagi ni USec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ng PSA, ang 6.1% inflation rate ay mas mabilis kumpara sa 5.3% noong August 2023.

Itinuturong dahilan ng pagbilis ng inflation noong Setyembre ang food and non-alcoholic beverages gaya na lamang ng mabilis na presyo ng bigas at karne ng baboy.

Nagpalala pa rito ang mataas na presyo ng gasoline, diesel, LPG, oil at iba pang petroleum products.

(BERNARD TAGUINOD/JESSE KABEL RUIZ)

123

Related posts

Leave a Comment