Pandodorobo sa P50-M pondo ng DOT binisto MARCOS INIPIT NI SORIANO?

MISTULANG dinorobo ang kaban ng bayan sa paggastos ng halos P50 milyon para sa kontrobersyal na tourism campaign ng gobyerno na “Love the Philippines”.

Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, sa manipulasyon umano ni Paul Soriano ay mistulang naipit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya lumusot ang palpak na tourism slogan.

Si Soriano ay pamangkin ni First Lady Liza.

Inaanak din ni Marcos sa kasal ang mag-asawang Paul at Toni Gonzaga.

Sa Facebook post ng media influencer na si Sass Sasot, binuking nito na apat sa mga ipinakitang video clip sa campaign slogan na ni-release ng Department of Tourism (DOT) ay hindi bago kundi stock footages mula sa website na storyblocks.com. Ang masaklap pa aniya, hindi kuha sa Pilipinas ang mga nasabing video footage.

Partikular na tinukoy ni Sasot ang video clip ng:

1. Lake in Thailand,
2. Bali, Indonesia,
3. Dubai, United Arab Emirates,
4. isa pang hindi matukoy na lokasyon ngunit hindi aniya sa Pilipinas.

Matapos kumalat sa social media ang puna ni Sasot, binaklas ng DOT ang pinost na video presentation na ginawa ng DDB Philippines.

Nagbigay na rin ng pahayag ang DOT, na masusi nilang iimbestigahan ang reklamo hinggil sa non-original shots sa kanilang audio-visual presentation.

Matatandaang ginastusan ng 49 milyong piso ang pinakabagong tourism campaign ng gobyerno.

Sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco, ang budget ay ginamit para sa paglikha ng logo; pagsasagawa ng global, regional, at local studies; at iba pang components ng kampanya.

“As far as next year is concerned, we are truly hopeful for support as far as rolling out the campaign here and abroad,” ayon kay Frasco sabay sabing nagsumite ang DOT ng panukalang 2024 allocation sa Department of Budget and Management (DBM).

Nito lamang Hunyo 27, ipinakita ng DOT ang bago nitong tourism campaign na “Love the Philippines,” pinalitan ang “It’s More Fun In the Philippines” na inilunsad noong 2012.

“We have not yet fully told the Filipino story to the world, so this is also our love letter to the world,” ayon kay Frasco. Umani naman ng iba’t ibang reaction ang slogan mula sa netizens hanggang sa mga nasa pamahalaan katulad ni Albay Rep. Joey Salceda.

Ikinadismaya ni Salceda na hindi isinama ang Mayon Volcano sa promotion video.

Ayon kay Frasco, ang promotional video ay inclusive dahil ipinapakita nito ang iba’t ibang mukha ng Philippine tourism.

“The very nature of an ad campaign is that there is a beginning and there is a continuation. And this is only the first of very many iterations of ‘Love the Philippines’,” anito.

(CHRISTIAN DALE)

198

Related posts

Leave a Comment