RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA PUNO NG MANGGA

CAVITE – Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente ang isang babaeng rider habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang angkas nito nang sumalpok sa puno ng mangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Dasmariñas City nitong Linggo ng madaling araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktimang namatay sa pinangyarihan ng insidente habang kinilala ang angkas nito na si Elenith Algafera, 18-anyos, inoobserbahan sa Pagamutan ng Dasmariñas.
Ayon sa ulat, minamaneho ng ‘di kilalang babaeng rider ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio at angkas si Algafera habang binabagtas ang kahabaan ng Molino-Paliparan Road, sakop ng Brgy. Paliparan 2, Dasmarinas City patungo sa direksyon ng Salawag.

Subalit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente nang bumangga ito sa isang puno ng mangga sa tabi ng kalsada dakong ala-1:30 kahapon ng madaling araw na ikinamatay ng rider habang sugatan ang angkas nito. (SIGFRED ADSUARA)

212

Related posts

Leave a Comment