PAGPAPALAKAS NG HUKBO TINALAKAY NG USAF, PAF

MULING tinalakay ng United States Armed Forces at ng Philippine Armed Forces ang pagpapalakas sa hukbo, military modernization initiatives, Enhanced Defense Cooperation Agreement sites at pagdaragdag sa lawak ng kapasidad ng joint exercises sa Pilipinas.

Nabatid na tumawag noong Martes si Chairman of the Joint Chiefs of Staff Gen. CQ Brown, Jr., kay Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines Gen. Romeo Brawner, Jr. at kanilang tinalakay ang pagpapalakas ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Sa ibinahaging read out ng US Embassy in Manila hinggil sa naging phone conversation sa pagitan ng dalawang military officers, binigyang-diin ni Gen. Brown ang kahalagahan ng domain awareness sa ating exclusive economic zone.

Muling tiniyak ng Estados Unidos ang patuloy na matatag na ugnayan sa Pilipinas at ang kanilang pangako na palakasin ang alyansa batay sa mga magkasanib na estratehikong interes at mga demokratikong halaga.

Ang pag-uusap na ito ay kasunod ng serye ng Maritime Cooperative Activity (MMCA), isang joint military exercise sa West Philippine Sea (WPS) na kinasangkutan ng US, Pilipinas, Japan, at Australia.

Nitong Miyerkoles, isinagawa rin ang 7th Multilateral sa West Philippine Sea, saklaw ng Northern Luzon Command Joint Operational Area, na naglalayong palakasin ang kooperasyon sa rehiyon at internasyonal sa pagsuporta sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific. (JESSE KABEL RUIZ)

103

Related posts

Leave a Comment