SUNOG SA KABUNDUKAN NG BENGUET ‘DI PA KONTROLADO

HINDI pa rin kontrolado ang ilang sunog na nagaganap sa mga kabundukan ng Benguet.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Benguet at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa ngayon may lawak nang aabot sa 887 na ektaryang kabundukan ang apektado at pang 35 na sunog na mula Enero ngayong taon.

Sa pinakahuling tala, ang sunog sa Tuba, partikular sa Mt. Sto. Tomas mula Sitio Besom hanggang sa Sitio Digdigyawa ang kasalukuyang inaapula sa pamamagitan ng ‘on ground suppression’.

Tumulong na ang OPFM Benguet, at mga fire personnel mula sa La Trinidad Fire Station sa pag-apula sa apoy.

Nasa dalawampung ektarya ang tinatayang apektadong lugar.

Patuloy rin ang nagaganap na sunog sa kabundukan sa bayan ng Itugon patikular sa mga bundok na sakop ng mga barangay Tinongdan at Dalupirip.

Pansamantala na ring ipinatigil muna ng provicial government ng Benguet ang anomang tourism activities sa munisipalidad ng Itogon.

Samantala, dakong ala-una noong Huwebes, idineklarang fire-out na ang sunog sa Sitio Caliking, Atok, Benguet kung saan umabot na sa 93 na ektarya ang naapektuhan.

(NILOU DEL CARMEN)

370

Related posts

Leave a Comment