Ngayong love month sa Navotas KASALAN TUWING MIYERKOLES

navotas

PUNO ng pag-ibig ang buwan ng mga Puso sa mga Navoteño ngayong muling inilarga ang kasalan sa Navotas City Hall tuwing Miyerkoles.

Kasunod ito ng paglalagay sa Alert Level 2 sa buong Metro Manila kung saan nakapaloob ang fishing capital.

Hinimok ng pamahalaang lungsod ang mga nagnanais magpakasal na makipag-ugnayan sa Local Civil Registrar sa 1st floor ng Navotas City Library.

Kaugnay nito, binuksan na ring muli ang pagpoproseso ng application ng business permit and licenses sa lungsod. Maaaring pumunta sa Business One-Stop Shop sa 1st floor ng Navotas City Hall, Lunes-Biyernes, 8am-8pm, at Sabado-Linggo, 8am-5pm.

Maaari ring i-click ang https://online.navotas.gov.ph/ para mag-apply online.

Muling humingi ang pamahalaang lungsod ng paumanhin para sa anomang abalang naganap at nagpasalamat sa pag-unawa at suporta ng mamamayan. (ALAIN AJERO)

1235

Related posts

Leave a Comment