Ngitngit ng taumbayan dadalhin sa Malacañang PAGPIRMA NI MARCOS SA ‘MOST CORRUPT’ BUDGET PAPALAGAN

(BERNARD TAGUINOD)

IMBES ipagbunyi, protesta ang isasalubong sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 2025 national budget ngayong araw, December 30.

Nabatid sa militanteng grupo na kaalyado ng Makabayan bloc sa Kamara na susugod ang mga ito sa Malacañang para iprotesta ang P6.352 Trillion national budget na tinaguriang pinaka-korup sa kasaysayan ng bansa.

Unang itinakda ang ceremonial signing sa pambansang pondo noong December 20 subalit inatras ito matapos palagan ng taumbayan ang pagkaltas ng P10 billion sa budget ng Department of Education (DepEd).

Hindi matanggap ng lahat na habang inalisan ng pondo ang sektor ng edukasyon ay pinalobo ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Lalong nagalit ang mamamayan nang hindi bigyan ng subsidiya ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth.

“Labanan ang mga kaltas sa serbisyo, tutulan ang pinalaking pork barrel at pondo para sa kurapsyon,” ayon pa sa grupo.

Matatandaang sa isang panayam ay tinawag ni ex-Philippine finance official Cielo Magno na most corrupt sa kasaysayan ng pagpopondo sa bansa ang 2025 budget dahil sa mga kinaltas at isiningit dito.

46

Related posts

Leave a Comment