NITA: DUMAGUETE MARKET, ‘FINANCIALLY VIABLE,’ SUPORTADO NG MGA RESIDENTE

ITINUTURING ng National Institute for Transparency and Accountability (NITA) na financially viable at suportado ng mga vendor at residente ang planong ₱1.948-bilyong Dumaguete City Public Market.

Ayon kay NITA Executive Director Carlos Ayala, nagsagawa ang grupo ng independent investigation at community interviews na hiwalay sa city government upang alamin ang pananaw ng mga residente hinggil sa proyekto.

Lumabas umano sa assessment ang malakas na suporta sa modernization ng public market dahil araw-araw itong gagamitin ng mga vendor, consumer at residente.

“Gusto ng mga tao ng development na nakikita at nararamdaman nila,” ani Ayala. “Mas malinis, ligtas at maayos na public market ang matagal na nilang hinihintay.”

Ang proyekto ay bahagi ng infrastructure program ng Dumaguete City Government sa ilalim ni Mayor Chiquiting Sagarbarria.

Dumaan umano ito sa local development process at inendorso ng City Development Council sa botong 9-3 bago sumailalim sa iba pang government review.

Ayon sa NITA, dumaan din ang proposed financing sa mga applicable review mechanism na kinasasangkutan ng Land Bank of the Philippines, Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF) at iba pang kaukulang ahensya upang masuri ang borrowing capacity, fiscal sustainability at compliance ng lungsod.

Sinabi ng grupo na mababa rin ang interest rate ng proposed financing, na mahalagang factor umano sa long-term affordability ng proyekto.

Isinailalim din ang proyekto sa feasibility study na tumingin sa projected revenues, expenses, debt servicing at long-term sustainability. Dumaraan pa umano ito sa review ng isang independent body upang masuri ang financial prudence at safeguards bago tuluyang umusad.

“Hindi ibig sabihin na kapag may concern ay dapat nang ihinto ang development,” ani Ayala. “Palakasin ang safeguards at protektahan ang public funds. Sa aming assessment, financially viable ang proyekto at mas matimbang ang long-term benefits nito sa publiko.”

Binanggit din ni Ayala ang Medical City hospital na kasalukuyang itinatayo sa lungsod.

Ayon sa kanya, may iba pang mga proyektong naisulong sa lungsod, probinsya at distrito na aniya ay nakatuon sa public welfare at long-term development.

“Kapag ang development ay nakikita, nagagamit at napapakinabangan ng mamamayan, doon tunay na nasusukat ang halaga ng proyekto,” ani Ayala.

72

Related posts

Leave a Comment