NO TO BAWAS-DISTANCING

HINDI ko talaga maintindihan kung saan nakalagay ang mga sentido-kumon ng mga nagpanukala na bawasan ang physical distancing ng ­commuters sa mga pampubliko sasakyan?!

Kung sino man itong mga opisyal na ­nagpanukala na bawasan ang social distancing sa mga pampublikong sasakyan para raw sa ekonomiya ay puro kayo @&@&”##¥••!!!

Madali sa inyong magsalita o magpanukala ng ganoon dahil kayong mga tinamaan kayo ng ­magaling! eh puro kayo may saksakyan! Eh papaano yung mga karamihang sumasakay lang ng public transport para lamang makapaghanap buhay?!

Talaga bang mas ­importante sa inyo ay ang ekomiya kaysa buhay at kalusugan ng publiko?! Di ba ang tunay na prioridad ng Duterte administration ay ang buhay at kaligtasan ng mamayan?!

Samantalang kayo na siyang iniligay diyan ng Pangulo ay taliwas sa kanyang adhikain na mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng ­sambayanan.

Ang lagi ninyong ginagawang basehan sa paglaban sa ­coronavirus ay ang pag aaral ng ibang bansa!! Hindi ba pupuwedeng yung sarili ­nating pagaaral ang pairalin ninyo kung papaano dapat maiwasan ang hawahan ng coronavirus?

Tama si DILG ­Secretary Eduardo Año na huwag nang baguhin ang isang metrong physical ­distancing dahil napatunayan na ito na nakapagpababa ng hawahan ng covid-19 at yun din ang pananaw ng mga eksperto mula sa mga health sector.

Kung gagawa na naman kayong mga tinamaan ng ewan!! ng panibagong eksperimento dapat ipaalam nyo naman sa Inter-Agency Task Force on emerging infectious disease, kasi baka bumalik na naman sa enhance community ­quarantine ang buong bansa kapag itinuloy ninyo ang pagbabawas ng physical distancing.

Pagkatapos maghahabol na naman tayo? Sana lang mas bigyan ninyo ng prayoridad ang kaligtasan ng ­sambayanan kaysa ekonomiya.

Aanhin ninyo yang sinabi ninyong ekonomiya, kung ang lahat ng pinaglalaanan ninyo nito ay puro na may sakit at mamatay na??!

Gawin na muna ninyong malusog ang inyong sambayanan dahil ang sinasabi ninyong ekonomiya ay makakabawi rin yan kung ang inyong bansa ay isang malusog at walang iniindang karamdaman.

Kaya nga mayroon tayong kasabihan na ang pag-iwas ay higit pa sa paggaling o prevention is more than cure diba?!

At huwag na rin tayong nakatanaw sa ginagawa ng ibang bansa gaya ng bansang Japan, na isa yata sa kanilang kinakain doon ay disiplina.

Samantalang dito sa atin bansa napakaraming pilosopong tasyo!!

Nakita ninyo naman ano ang reklamo ng local government units natin marami sa ating mg kababayan nasobrahan sa demokrasya tuloy nagmukhang anarkiya na! Hay naku!

Pagkatapos magpapanukala kayong bawasan ang physical distancing?? Mag-isip-isip naman kayo bago magpanukala ng kung ano-ano!

Para sa akin dahil mayroon na itong patunay “no to bawas distancing maintain yung 1-metrong layo sa bawat isa sa mga pangpublikong lugar at mga sasakyan”.

133

Related posts

Leave a Comment