BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING SA SYRIA NANAWAGAN SA DFA

DAPAT na iwasan ng Overseas Filipino Workers ang pagtungo sa bansang Syria. Ang kautusan na ito ay nakapaloob sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)Advisory number 21 series of 2017.

Kabilang sa mga may travel ban dahil sa pagkakaroon ng tinatawag na “unstable peace and order” ay ang mga bansa gaya ng Afghanistan, Somalia, Sudan Great Lakes Region, Iraq, Libya, Syria, Yemen, Checknya Republic at Ukraine.

Ngunit nitong nakalipas na mga araw ay sunod-sunod na email at inbox messages sa Messenger ang aking ­natangap mula sa ilang OFW na nasa Syria. ­Nagulat ako na mayroon pa palang mga OFW dun samantalang napakatagal ng idineklara ang ­deployment ban sa naturang bansa dahil sa kaguluhan.

Sa liham na aking natangap, ay nalaman ko na karamihan pala sa mga OFW sa Syria ay biktima ng Human Trafficking o mga OFW na hinikayat ng mga ilegal na ahente para dalhin sila sa bansang Syria.

Umabot na sa 52 OFW na biktima ng Human Trafficking ang kasalukuyang naka-tengga sa loob ng ating embahada. Ilan sa kanila ay mahigit sa 2 taon na nag-aantay na mapansin ng Department of Foreign Affairs para maisama sa repatriation.

Nagtugma rin sa kwento ng mga nagmensahe sa akin ang email na ipinadala sa akin ng aking kaibigan na kapwa OFW advocate na si Nar Brian Reyes ng Compass PH.

Ayon sa kanyang liham, “Sa kasalukuyan po ay meron po 52 distress ofws po ang nakatambay sa loob na pinakabago ay mag 6 na buwan at halos 2 taon na.

Dahil po sobrang depresyon ng ilan sa mga ofws nagawa na po nila ang di inaasahang ­desisyon, dahil sa wala din po tumutugon or wala din po bumababa na kawani ng embahada, para sabihan sila kung anu update sa mga kaso nila. Wala man lang nangumusta kung ok pa ba kayo.

Kahit kaunting malasakit bilang kapwa Filipino hindi po namin naramdaman, kahit po kahit pakunwari na please po kunting tiis lang po makakauwi rin kayo, bagkos ni isang mukha wala man lang nagsasabi sa kanila. Sa 52 po bilang ng mga Ofws at isa po sa kanila ay nagtangkang magpakamatay.

Ang sabi nagkulong daw pero ang totoo po ikinulong kaya na isipan ng mag suicide ng ofw na umabot din ng 1 taon na nakatambay doon.Ito po nakakaiyak at nakakaawa po after po madala sa hospital imbes na sa loob ng embahada po dalhin at counselling, bagkos sinabi ng hospital na tumawag ng pulis at dinala sa jail pero ang katotohanan po mula sa embassy utos po ng ambassador ang ikulong at pagpapakulong after madala sa hospital. Mula noon hindi na po sinilip man lang ang kawawang ofw kasama ang isang pinay na ilang taon na ring nakakulong.

Dahil po sa pangyayari 11 ofws po ang nagtangkang tumakas subalit hindi po natuloy ang isa dahil sa nahulog at nabalian ng buto sa paa nasa 6 talampakan po ang taas. Isa po sa matinding raket ng isang asisstant ­translator ng embahada ang ­pakikipagdeal sa amo ng mga Ofws, kapalit ng pera.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Ambassador sa mga filipino community na dalawin ang sinumang nasa hospital at ­bilanguan.”

oOo

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa 09081287864.

121

Related posts

Leave a Comment