NPA OFFICIAL, 3 PA UTAS SA ENGKWENTRO

OCCIDENTAL Mindoro – Patay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) at tatlong mga tauhan nito makaraang makasagupa ng mga tropa ng gobyerno sa bayan ng Rizal sa lalawigang ito, nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat, nagkasagupa ang mga tauhan ng 203rd Brigade ng Philippine Army, at tinatayang 20 miyembro ng NPA sa Sitio Surong, Brgy. Aguas na tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng apat na mga rebelde kabilang ang kanilang opisyal.

Nakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang walong high powered firearms kabilang ang anim na M16a1 rifle, isang M653 rifle, isang M14 rifle at subersibong mga dokumento.

Ayon kay Col. Jose Agusto Villareal, commander ng 203rd Brigade, walang naiulat na nasugatan sa panig ng militar. (CYRILL QUILO)

130

Related posts

Leave a Comment