IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilisang pagsusumite ng evaluation report ukol sa mga ginagawa umanong pagsasaayos at pagpapalakas ng signal ng mga network company sa bansa.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nakaantabay ang kanyang opisina sa official evaluation na ito mula sa NTC para maisumite na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, umaasa siya na maisusumite agad ni NTC Comm. Gamaliel Cordova ang ebalwasyon nito sa malalaking telcos sa bansa upang malaman kung talagang nagkaroon ng pagbuti sa network services ng mga ito.
Sa kabilang dako, hindi naman masabi ni Sec. Roque kung may maipasasarang telecommunication company sakaling mapatunayan na wala pa ring improvement sa kanilang serbisyo. (CHRISTIAN DALE)
124
