MANANATILING suspendido ang number coding kahit pa balik general community quarantine na ang Metro Manila simula ngayong araw.
Base sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maglalabas na lang muli ng abiso ang ahensya kung kailan babalik ang pagpapatupad ng number coding.
“Suspended po ang Number Coding Scheme until further advise,” ayon sa MMDA.
Samantala, wala pa ring inilalabas na abiso ang Makati tungkol sa pag-iral ng number coding sa lungsod.
Noong kasagsagan ng GCQ ay ibinalik na ang number coding sa Makati subalit muli itong sinuspinde nang isailalim sa MECQ ang Metro Manila. (DAVE MEDINA)
