OBRERO ARESTADO SA KABLE SA LUNCH BOX

CAVITE – Arestado ang isang 34-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng 20 metro na pinagputul-putol na kable ng kuryente na isinilid  sa kanyang lunch box sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Louie Pabelonia Urgino.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Francis Mark Cortez ng Tanza Police Station, papalabas sa gate ng Garden Villas Subd., Brgy. Punta 1, Tanza ang suspek nang inspeksiyunin ng naka-duty na security guard ang dala nitong bag dakong alas-12:45 ng hapon.

Napansin ng guwardiya na tila mabigat ang laman ng lunch box ng suspek at nang binuksan ay nakita ang putol-putol na kable ng kuryente.

Nabatid na tinatayang 20 metro ang haba ng nasabing kable ng kuryente na nagkakahalaga ng P3,000. (SIGFRED ADSUARA)

105

Related posts

Leave a Comment