RAPIDO NI TULFO
PATULOY pa rin ang aming pagtugaygay sa abandonadong balikbayan boxes mula sa Bluebridge at Tag Cargo na matagal nang nakatengga sa Davao Port at Manila International Container Terminal sa North Harbor.
Sa pinakahuling update na ibinigay ng opisina ni Atty. Vince Maronilla sa aming programa ay sinabi nito na nasa legal department na ng Bureau of Customs ang mga dokumento ng mga container at kapag nabigyan na ito ng clearance ay mailalabas na ito.
Ito naman ay dadalhin sa Department of Migrant Workers alinsunod sa kasunduan ng dalawang ahensiya na ido-donate ito sa DMW upang ipamahagi sa recipients nito.
Kaya lang wala pa pong maibigay na eksaktong date ang DMW at BOC kung kailan isasagawa ang sistema ng pickup-up, at kung saan kukunin ang balikbayan boxes.
××××××××××××
Nagtataka naman ang inyong lingkod sa kawalang aksyon ng gobyerno sa isyung ito partikular na ang lehislatura na may kapangyarihang mag-imbestiga dito.
Nakapanayam namin sa aking programa sa DZME si OFW Party-list Representative Marissa Del Mar upang ipaalam sa kanya ang lumalalang problemang ito.
Pero magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpapatawag ng imbestigasyon sa Kamara.
Correct me if I am wrong, hindi ba ang sektor na kinakatawan ni OFW Party-list Rep. Marissa Del Mar ay ang OFWs? Bakit walang ginagawa ang party-list na ito upang matugunan ang hinaing ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa?
Naku Cong. Del Mar, ma’am sige ka, baka ‘di na kayo makaupo sa Kamara sa susunod na halalan kapag nagalit ang OFWs.
