ONE-TIME CASH INCENTIVES SA SENIOR CITIZENS MULA KINA VICE GOV. LILIA AT GOV. DELTA

TARGET NI KA REX CAYANONG

OLD but gold. Ganyan inilalarawan at pinahahalagahan ni Pampanga Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda ang matatandang kabalen.

Kamakailan naman, masaya siyang namahagi ng ‘one-time cash incentives’ para sa senior citizens.

Aba’y sila ‘yung may edad na 95 taong gulang pataas. Ginawa ang pamamahagi ng ayuda matapos bumisita sa bise-gobernadora sa kapitolyo ang mga senior.

Kung hindi ako nagkakamali, aabot sa 13 mga lolo at lola mula sa iba’t ibang distrito ng Pampanga ang nakatanggap ng tig-P100,000 mula kina Governor Dennis ‘Delta’ Pineda, Vice Governor Nanay, at Sangguniang Panlalawigan, katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Naku, napaka-energetic ng mag-inang Pineda dahil kahit holiday ay nagtatrabaho sila.

Tuloy-tuloy lang din sa pamamahagi ng tulong si Gov. Delta para sa mga kabalen.

Noong Lunes nga, Ninoy Aquino Day, aba’y kahit holiday ay mas pinili ng ama ng lalawigan na makapiling ang mga taga-Minalin para personal na maibigay ang tulong ng national government para sa mga apektado ng matinding pagbaha sa lugar.

Nasa 5,537 Minaleños mula sa mga barangay ng Lourdes (1,520), San Isidro (1,406), Sta. Maria (1,272), at Sto. Domingo (1,339) ang nakatangap ng food packs mula sa pamahalaan.

Namigay rin sila kamakailan ng emergency cash transfer para sa mga magsasaka, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), gayundin si Congresswoman Anna York Bondoc, at mga alkalde.

Samantala, tinanggap naman ni Gov. Delta mula kay Pres. Choi Jong Pil ng Korean Community Association Central Luzon Inc., ang tulong mula sa mga Korean community sa rehiyon para sa mga Kapampangan na matinding naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Nasa P500,000 cash at iba’t ibang Korean products na donasyon ng asosasyon ang ipinamahagi nila sa mga apektado ng kalamidad. Sinasabing pamilya ang turing ni Jong Pil sa mga Kapampangan kaya sa mga panahon ng sakuna ay tutulong at tutulong daw ang kanilang komunidad.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

115

Related posts

Leave a Comment