ONLINE SABONG BAWAL PA RIN

HINDI pa rin pinapayagan ang sabong at online cockfighting sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pinapayagan ng inter-agency task force on COVID-19 (IATF) maging ang online cockfighting.

“Ang naalala ko po sa IATF, diniscuss na po ang sabong, hindi pa po pinapayagan.

Ang naging posisyon po ng DILG [Department of the Interior and Local Government], kung hindi ako nagkakamali, at base rin po sa minutes ay sabi nila kung walang audience at MGCQ [modified general community quarantine], baka pupuwede. Pero kinakailangan muna pong aprubahan iyan ng IATF,” ayon kay Sec. Roque.

Kaya nga, hinikayat ni Sec. Roque ang mga advocates ng online cockfighting na magsumite ng sulat sa IATF.

“Iyong mga proponents po ng walang audience na sabong online, sumulat po kayo sa IATF,” aniya pa rin.

Nauna rito, pinaalalahanan ng DILG ang local government units na i-monitor ang cockpit arenas o mga komunidad at villages sa kanilang nasasakupan at tiyakin na sumusunod ang mga ito sa polisiya ng IATF at ng departmento. (CHRISTIAN  DALE)

123

Related posts

Leave a Comment