OPERASYON NG ANGKAS SAGOT SA TRAPIKO — IMEE

angkas99

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA si Senador Imee Marcos sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagang makapag-operate ang motorcycle-for-hire services na Angkas para makatulong sa publiko na mabawasan ang matinding trapiko sa bansa.

Ayon sa senador, sa inihain nitong Senate Bill 409 layon nito na payagan ng ahensya ang Angkas na gawing lehitimo at alternatibong sasakyan ng publiko sa gitna ng matinding sikip ng trapiko, at na makapagbibigay din ng dagdag trabaho.

“Sana umangkas na ang LTFRB sa diwa ng Pasko at regaluhan na ng siguradong trabaho ang mga Angkas drivers,” sabi ni Marcos.

Sa datos aniya, nasa 15,000 drivers ng Angkas ang hindi nakatapos ng kolehiyo habang ang ilan ay nawalan ng trabaho.

“Ang pinakamatrapik na mga lugar sa ating bansa partikular sa Metro Manila, Cebu at Davao ay nananawagan ding magkaroon ng maginhawa at mabilis na uri ng transportasyon na tulad ng motorsiklo,” dagdag pa ni Marcos.

 

204

Related posts

Leave a Comment