2024 SEAL NG QUEZON AT LIBRENG HPV VACCINE SA SAN PABLO

TARGET ni KA REX CAYANONG

MAKARAAN ang pagsasagawa ng pagsusuri mula sa Provincial Planning and Development Office (PPDC) para sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG), isang malaking hakbang sa pag-unlad at pagpapabuti ang tuwang-tuwa na ibinalita ni Quezon Gov. Helen.

“Ikinararangal kong ipahayag na ngayon ay lubos na sumusunod tayo (fully compliant) sa lahat ng 10 na larangan ng pamamahala,” ayon kay Tan.

“Nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa PPDC, DILG-Quezon, at sa bawat opisina ng departamento para sa kanilang oras, pagsusumikap, at gabay.”

Ayon sa masipag na gobernadora, inaasahan niyang magtutulungan ang lahat at patuloy na magsisikap para sa positibong mga pagbabago sa lalawigan.

Samantala, pamumunuan nina Congressman Loreto “Amben” Amante at Mayor Vicente “Vic” Amante ang Libreng HPV Vaccine Drive sa Pebrero 2, 2024, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa SM City San Pablo.

Nariyan ang libreng bakuna na iniaalok sa mga kababaihan at kabataang lalaki na may edad 9 hanggang 26 taong gulang lamang.

Mangyaring tiyakin na wala nang ibang natanggap na bakuna ang interesadong magpabakuna sa loob ng 14 araw bago ang araw ng pagbabakuna.

Isa itong malaking hakbang tungo sa kalusugan ng komunidad.

Ang pagtutulungan nina Congressman Amben at Mayor Vic Amante ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon para sa kalusugan ng mamamayan.

Samantala, 846 residente mula sa bayan ng Rizal, Liliw, at Victoria ang nabigyan ng transaction code bilang kabayaran para sa kanilang sampung araw na community works sa ilalim ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers, isang programa ng DOLE.

Ito ay nangyari sa pangunguna ni Cong. Amben, sa tulong ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa koordinasyon ng mga kawani ng PESO sa bawat bayan.

Ang mga proyektong ito ay nagpapakita ng malasakit at serbisyong totoo para sa bayan, patunay na ang Bagong Pilipinas ay nagsusulong ng makabuluhang pagbabago at kalinga para sa bawat Pilipino.

174

Related posts

Leave a Comment