Marami sa mga naghahangad ng kapangyarihan na nawawala na ang tinatawag na delikadeza makuha lamang ang inaasam na kapangyarihan o tungkulin.
Likas na ba talaga sa bawat nag-aambisyon ng tungkulin ang kinakain na ang kahihiyan?
Sa ilan sa mga politiko na kahit mayroong kinakaharap na mga kaso ay patuloy pa rin sa pagtakbo at panghihikayat para lamang makuhang muli ang inaasam na tungkulin.
Maging sa hudikatura ay mayroon ding ganitong sitwasyon.
Gaya sa kaso ng isa sa mga miyembro ng Judicial and Bar Council na nag-a-apply upang maging isa sa mga miyembro ng Court of Tax Appeals.
Hindi ba dapat nagbitiw muna kung sino man ang taong ito sa pagiging miyembro ng Judicial and Bar Council bago pa mag-apply sa Court of Tax Appeals for delicadeza?
Bakit ba may mga personalidad na ganoon, wala na ba sa kanila ang salitang kahihiyan?
Paalala na rin sa aking mga kababayan na sa darating na halalan sa Mayo na huwag na huwag ninyo na pong ibigay ang inyong tiwala sa mga kandidato na may bahid na po ng katiwalian dahil gagawin at gagawin lamang nilang muli ang kanilang nakasanayan na nakawan at walanghiyain ang taumbayan at ang ating bansa. (Pro Hac Vice / BERT MOZO)
122