ANGCO FARM AT MALIGAYA FARM LUMABAG SA CLEAN AIR ACT!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, mga residente po kami ng Heroes Ville 1 and 3 dito sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte Bulacan City.

Grabe po ang aming sakripisyo lalo na kapag tag-ulan doon dahil malimit ang mga farm na magpakawala ng mga dumi ng kanilang mga alagang baboy at manok mula sa kanilang imbakan at sinasabay ‘pag malakas ang buhos ng ulan.

Lalo kaming nabahala nang kumalat ang sakit na African Swine Fever (ASF). Mula sa mga tubo, lumalabas ang masangsang na amoy sa kanilang mga septic tank na dumi ng baboy at manok, hindi kami patulugin sa gabi dahil umaalingasaw pa­punta sa mga kabahayan na residente ng Barangay Gaya-Gaya.

‘Pag binisita ang kanilang mga tubo sa creek tinatapon ang mga dumi kaya ang resulta aapaw ito dahil sa mga dumi ng ha­yop. Ang sabi po ng SJDM City, sanitation permit hindi na umano pina-renew ang permit ng farm pero patuloy ang pag-o-operate.

Hanggang kailan po kaya kami magtitiis sa masangsang na amoy galing sa mga farm na nakapalibot sa aming subdibisyon?

Gumagalang, Mr. AM

Tinatawagan ng pansin: DENR Usec. Benny Antiporda. Alam ko po pagdating sa kalikasan aaksyon agad kayo, sir. Naglalambing at humihingi ng ayuda ang mga residente na mga kapulisan at kasundaluhan sa Heroes Ville Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte Bulacan City.

Ito ay dahil palung-palo na sila sa kakasinghot ng mabahong amoy mula sa Angco Farm Deltas Piggery Integrated Agrolink Corp at Maligaya Farm (manukan) na maraming paglabag sa Clean Air Act.  Governor Daniel Fernando, sir, pakibusisi naman po ang nasabing mga farm at kay Mayor Arthur Robes.

oOo

Best wishes and congratulations Anthony Cabanatan and Nica Alday. Pagbati mula sa iyong mga ninong at ninang at mga magulang na sina Antonio Cabanatan, Lourdes Cabanatan at Mr. Joseph Alday, Loida Alday, at inyong lingkod, Misyon Aksyon.

oOo

Nakikiramay po ako sampu ng aking pamilya sa pamilya Eyat Birmudo Ciron Jr. sa kanyang mga naulila sa pagpanaw ng kanyang ama na si Elias Ciron Sr. ang kanyang labi ay nakaburol sa San Antonio Nabua Cam Sur. Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG Homeowners at iba pa. Cellphone No. Smart 09420874863/09755770656 Email Address: Misyonaksyon@yahoo.com/arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com  (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

190

Related posts

Leave a Comment