E-SABONG LIBANGAN NG MASANG SABUNGERO

0

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

KAPAG sinabing sabong, masaya iyan para sa mga masang sabungero.

Kumbaga vitamin para sa kanila ang libangang ito.

Sa ating bansa, ­maraming backyard cockfighters o ismol taym lamang. Sila ‘yung nag-aalaga lang ng pailan-ilan na kasya lang sa kanilang bakuran.

Siyempre, abot-kaya rin ng kanilang bulsa. Sabi nga, low-budget.

Kaya naman, sumasabak lang din sila sa mga tinatawag na hackfight o tupada. Kahit Manalo lang ng P50 o P100, masaya na sila.
Mababaw lamang ang happiness ng mga Pinoy. Ganyan ka-exciting ang sabong.

Sabi nga, ang hackfight o ulutan ay pinakamasaya sa lahat. Kung titingnang maigi, hindi ‘yan katulad ng Pitmaster at World Slasher Cup.

Siyempre, ang mga ­mayayaman ay sa class pupunta. Nawala nga lang ang ganito kasayang libangan nang magkaroon ng pandemya.

Kaya isinilang ang tinatawag na e-sabong o online sabong kung saan pinapanood na lamang ng mga sabungero sa internet ang paglalaban ng mga pansabong na manok.

Magandang source of income ng maraming Pinoy ang e-sabong lalo na ngayong krisis.

Kumokontra nga lang dito si dating Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Nanawagan kasi siya ­kamakailan sa mga kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 elections na tutulan ang e-sabong at iba pang hakbang na banta raw sa Filipino values.

Nababahala raw siya sa paglakas ng online gambling at iba pang imoral na gawain sa bansa.

Well, marahil ay hindi nababahala si Cawatano, este, Cayetano sa mga mawawalan ng trabaho kapag nawala ang e-sabong.

Malaki rin ang nakukuhang buwis ng gobyerno mula sa online sabong kaya hindi ito dapat pag-initan ni Cayetano.

Ang daming natutulungan ng e-sabong kaya dapat itong suportahan.

Baliktad na yata ang utak ng mga pulitiko ngayon.

Nakakagulat kasi na kung sino pa ‘yung nakakatulong ay siya pang pinupuna at tinututulan.

Hay naku, parang gusto ko nang maniwala na anti-poor itong si Cayetano!

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment