IBUNYAG ANG MGA NAGPALUSOT NG P28.348-B DAGDAG BADYET SA DPWH

TULAD nang dati, ­kuwestyonable na naman ang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2021.

Inaprubahan ng Bicameral Conference Committee (Bicam) ang P4.506 trilyong ­hinihinging badyet ni Pangulong ­Rodrigo Duterte para sa susunod na taon.

Kasama rito ang P694.8 bilyon ng DPWH na siya pang pangalawa sa pinakamataas sa mga badyet ng mga kagawaran ng pamahalaan.

Ang nanguna ay ang Department of Education (DepEd) sa halagang P708.1 bilyon dahil itinakda at ipinag-utos ng Saligang Batas na siyang pinakamataas sa taunang ­badyet ng pamahalaan.

Nangangahulugang pinakamahalaga ang ­edukasyon sa dapat pagkagastusan ng pamahalaan.

Napakahalaga rin ang ­pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, pagsugpo sa baha at iba pang pinopondohan ng DPWH.

Kaya, walang masama kung umabot pa ito sa P708 bilyon.

Ang problema sa pondo ng DPWH ay dinagdagan pa ito ng P28 bilyon ng mga senador at kongresistang kasama sa Bicam na nagpasa ng P4.506 ­trilyon, kaya naging P694.8 ­bilyon.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, P666.474 bilyon ang inaprubahan ng Senado at Kamara de Representantes.

Kaso, pagdating sa Bicam ay dinagdagan pa ito ng P28.348 bilyon, kaya naging P694.8 ­bilyon lahat. ­Kinuwestoyn at ­tinutulan ito ni Lacson dahil sabi nito na sa kasaysayan ng DPWH ay umaabot sa P82 ­bilyon ang hindi nagagastos kada taon ng nasabing ahensiya mula sa inilalaang pondo rito.

Ipinunto ng senador na batikan ang DPWH sa “hindi paggastos” (unspending) ng pambansang pamahalaan.

Pokaragat na ‘yan!

Mali ang hindi paggastos sa konteksto ng ekonomiya.

Ngunit, hindi pinakinggan si Lacson ng kanyang mga kasamahan sa Bicam.

Pokaragat na ‘yan!

Dati, tinutulan na ng ­beteranong senador ang P60 ­bilyong pondo ng DPWH sa 2021 para sa multi-purpose buildings.

Binira rin niya ang P26 ­bilyong right-of-way (ROW) badyet ng DPWH, dahilan upang mabawasan ito ng P14 bilyon sa bersiyon ng Senado.

Kaso, itinaas pa sa Bicam ang badyet sa ROW.

Pokaragat na ‘yan!

Sabi ni Lacson, paulit-ulit na lang ang kuwestyonableng badyet ng DPWH.

Mukhang galit na galit na si Lacson sa desisyon ng kanyang mga kapwa mambabatas.

Inakusahan niyang “kasakiman” ang ginawa ng kanyang kapwa mambabatas.

Hayaan ninyong si Lacson na ang magsalita dahil baka sabihin n’yong ginatungan ko ang senador.

Ganito ang pahayag ni Lacson nitong Disyembre 11: “Not even the [COVID-19] ­pandemic and its crippling effects [to the country’s economy] could stop the greed of some ­lawmakers as they toyed around with the P4.5 trillion national budget for 2021… Congress bicameral committee report: P83.87-B of DPWH infra projects migrated to new areas while appropriations worth P55.52-B disappeared. As if it wasn’t enough to satisfy their greed, they cut the budgets of other departments by P28.35-B. Story of our lives”.

“These realignments being capricious and arbitrary on the part of the bicameral conference committee members, they did not involve proper planning by the DPWH. This explains why, … , year in and year out, DPWH suffers one of the lowest budget utilization rates with an annual average of P82 billion from 2011 to 2018 and even lower average disbursement rate since 2017”, paliwanag ng senador.

Sabi pa niya: “This only shows that for some, a ­pandemic – and the crippling effects it has on all sectors of ­society – should not get in the way of personal interests”.

Naniniwala ako kay Lacson na totoong nakakabuwisit na ang ginagawa ng ilang senador at kongresista sa taunang badyet ng DPWH.

Taun-taon na lang ­kontrobersiyal ang badyet ng DPWH dahil sa kuwestyonableng paglalaan nito ng pondo sa bawat proyekto nito.

Ngayong inakusahan ni ­Lacson na nanaig ang kasakiman at personal interes ng kapwa niya mga mambabatas, mainam na ilantad niya ang mga senador at kongresistang nagtulung-tulong na dagdagan ng P28.348 bilyon ang badyet ng DPWH.

Banggitin ni Lacson ang kumpletong mga pangalan ng mga senador at kongresistang sinasabi niyang nagpairal ng ­kasakiman at personal na interes.

Ituro niya ang mga ­kriminal dahil walang mangyayari sa kanyang mga bira, kung hindi malalaman ng 110 ­milyong ­Filipino ang nagpasulot ng ­karagdagang P28.348 ­bilyon sa badyet ng DPWH, ang ­kagawarang pinamumunuan ni Secretary Mark Villar mula Hulyo 2016 hanggang kasalukuyan.

137

Related posts

Leave a Comment