SA GANANG AKIN
TAYO ay namumuhay sa panahon kung saan marami sa atin ay dumedepende sa modernong teknolohiya gaya ng internet upang mas mapabilis at mapagaan ang ating mga pang araw-araw na gawain lalo na sa larangan ng komunikasyon. Kaya naman hindi rin kataka-taka na itinuturing na kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga tao ang pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet.
Batid ang hindi maitatangging katotohanang ito, ang PLDT Inc. (PLDT) bilang pinakamalaking digital service provider ng bansa, ay patuloy sa pagpapaigting at pagpapalawig ng pasilidad at serbisyo nito upang makapaghatid ng mabilis na serbisyo ng internet para sa mga konsyumer.
Bunga ng pagsisikap ng kompanya, kinilala ng Ookla® Speedtest Awards™ 2022 ang PLDT bilang kompanyang may pinakamabilis na serbisyo ng internet sa bansa sa ika-limang sunod na taon. Ang Ookla ay isang global benchmarking company na nagbibigay ng serbisyo ng libreng pagsusuri sa tinatawag na internet access performance metrics gaya ng connection data rate at latency.
Nang sinuri ang serbisyo ng internet ng PLDT, nagtala ito ng pinakamataas na markang 86.52 noong 2022. Sa kasalukuyan, PLDT pa lamang ang kompanyang nagkamit ng limang sunud-sunod na pagkilala bilang may pinakamabilis na serbisyo ng internet sa bansa mula sa Ookla.
Matindi ang suportang ibinibigay ng PLDT Group sa digitalization ng Pilipinas. Ayon kay PLDT President at CEO Alfredo S. Panlilio, pangako ng PLDT na tutulong ito sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng pagtatakda ng mataas na antas at kalidad ng serbisyo sa paghahatid ng world-class na digital service para sa mga Pilipino.
Kaugnay nito, pinagsusumikapan ng PLDT na maihatid ang serbisyo ng internet at iba’t iba pang uri ng digital na serbisyo sa mas maraming bahagi ng bansa. Sa katunayan, noong nakaraang taon, nakapagtala ang kompanya ng 6.08 milyong fiber-powered na mga port sa 17,700 na barangay sa bansa.
Sa kasalukuyan, PLDT pa rin ang natatanging kumpanya ng telekomunikasyon na may kakayahang makapaghatid ng pinakamahusay na fiber-optic speed na umaabot sa 10 Gbps, na sinimulang isinapubliko ng kompanya noong taong 2021. Inihanay ng pambihirang tagumpay na ito ang Pilipinas sa mga mauunlad na bansang mayroon ding mabilis na serbisyo ng internet gaya ng South Korea, Japan, Norway, Italy, New Zealand, at USA.
Bilang nangungunang kompanya sa telekomunikasyon sa Pilipinas, malaki ang naitutulong ng PLDT sa pagsusulong ng pag-unlad ng bansa. Sa pamamagitan ng mahusay na produkto at serbisyo ng kompanya sa internet at telekomunikasyon, nagiging madali para sa mamamayan at mga negosyo ang makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ang tagumpay ng PLDT na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ay patunay rin sa kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro ng pribadong sektor at ng pamahalaan.
434