Misyon Aksyon, pakikalampag naman po at pakiimbestigahan ang ilang mga stall owner sa mga mall ng SM dahil walang ibinibigay na official receipt (OR) sa halip ay resibong ‘Recto’ ang ibinibigay sa kanilang mga kustomer.
Ito ang naranasan ko nang bumili ako ng cellphone, binigyan ako ng ‘hao shiao’ na resibo na walang pangalan ng may-ari at ito ang kanilang resibo, na wala kang mababakas na dumaan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kabila ng paghihigpit ng gobyerno.
May business permit sila at DTI ngunit wala silang opisyal na resibong ibinibigay, sabi pa ng sales lady, simula pa umano silang magtinda ay ‘yun na ang kanilang resibo.
Ibinunyag ng mga sales lady nang tanungin, ay wala sa kanila ang regular na empleyado sa halip ay puro casual lamang ang mga ito. Samantalang malaki-laki ang kanilang kita na tinatayang nasa P30,000-P70,000 kada araw.
Kaya ito ang dahilan upang mandaya, maging ang ilang benepisyo ng kanilang manggagawa tulad ng SSS, Pag-IBIG ay hindi naibibigay ng kanilang among Intsik. Ang masakit pa umano nito sinasabi ng may-ari na dealer lamang sila.
Ang mga ganitong dahilan o palusot ay malinaw na gustong takasan ang kanilang mga obligasyon maging ang kanilang mga office address ay hindi masabi ng mga empleyado kung saan kaya, Misyon Aksyon, sana maimbestigahan ito ng BIR dahil dayuhan ito kaya malakas ang loob at anumang oras kapag nagkaipitan, puwedeng lumayas ang mga ito ng bansa.
Nabasa ko ang kolum ninyo sa SAKSI Ngayon tungkol sa isang kompanya ng CP na ‘di naghuhulog ng SSS sa kanyang mga empleyado. Natuklasan na wala sa listahan ng ahensya.
Umaksyon naman agad ang SSS kaya sana maging ang BIR at labor ganun din ang gawin dahil ito ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi namin alam kung saan kami magrereklamo dahil palpak ang unit nila na ZH&K na nabili namin.
MISS CP NG BULACAN
Tinatawagan ng pansin: Caesar R. Dulay, BIR Commissioner pakiimbestigahan naman po ang mga stall owner ng SM Mall dahil nag-iisyu raw ng resibong Recto, at wala silang OR na ibinibigay sa kanilang mga kustomer.
At kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sir, pakibusisi po ang mga stall owner ng mga mall dahil ang kanilang mga empleyado bumibilang na ng taon ay mga casual pa rin sila.
Aksyon na po…. Sa SM mall management mga Sir/Madam paki-verify po ang mga nagtitinda sa inyong mall.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. NOTE: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863/ 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon /Arnel Petil)
146